outbrain

Bishop Pabillo, gumaling na sa COVID-19

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 05:48 PM

Gumaling na si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa COVID-19.

Inanunsiyo ito ni Fr. Carmelo Jek Arada habang binabasa ang isinulat na homily ni Bishop Pabillo sa isang misa sa Manila Cathedral, araw ng Linggo.

Base sa isinulat na homily ni Bishop Pabillo, lumabas aniya na negatibo na siya sa nakakahawang sakit sa ikalawang swab test ngayong linggo.

Wala rin aniya siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si Bishop Pabillo sa mga patuloy na nagdarasal para sa kaniyang paggaling.

Matatandaang inanunsiyo ni Bishop Pabillo na positibo siya sa COVID-19 noong July 23.

TAGS: Bishop Broderick Pabillo, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 negative, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Radyo Inquirer news, Bishop Broderick Pabillo, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 negative, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.