Boxing coach ni “Rocky Balboa” namatay na

Tony Burton and Sylvester Stallone during "Rocky Balboa" World Premiere - Arrivals at Grauman's Chinese Theatre in Hollywood, California, United States. (Photo by Alberto E. Rodriguez/WireImage)
 (WireImage)

Pinangunahan ni Hollywood superstar Sylvester Stallone ang tribute para actor na si Tony Burton na namatay sa edad na 78.

Si Burton ang gumanap sa papel bilang Tony “Duke” Evers, ang sikat na Boxing coach na nagturo at nagpasikat sa character ni Stallone na si Rocky Balboa.

Sinabi ni Stallone na naging malapit silang magkaibigan ni Burton sa tunay na buhay at lalo itong pinatatag ng kanilang anim na Rocky movies.

Namatay si Burton sa isang ospital sa Southern California dahil sa sakit na  pneumonia at kumplikasyon sa sakit sa puso.

Sinabi ng bunsong kapatid ni Burton na si Loretta Kelley na mula pa noong nakalipas na taon ay labas-pasok na sa ospital ang aktor.

Sa spin-off ng pelikulang Rocky na “Creed” ay hindi na nakasama ang aktor makaraan siyang pagbawalan ng kanyang duktor.

Naging markado rin ang role ni Burton sa iba pang mga pelikula tulad ng “The Shining”, Assault on Precinct 13 at “Stir Crazy”.

Read more...