Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, aabot sa 6,638 ektaryang lupain ang naipamahagi sa mga magsasaka.
Galing ang mga magsasaka sa mga barangay ng Cogon, Mahalo, Amagusan at Tagup-on, sa bayan ng Anahawan, Southern Leyte.
Nabatid na dating pag-aari ng Mayo Hacienda, Felomino Gadiongco, and Dy Tian and Sons ang mga lupa.
Hinihimok naman ang mga magsasaka na huwag ibenta ang lupa at gawing produktibo ang sakahan.
Ginawa ng DAR ang pamamahagi ng CLOA kahit na may kinakaharap nanpandemya ang bansa sa COVID-19.
Sa talaan ng lokal na pamahalaan ng Southern Leyte, mayroon ng 104 na kaso ng COVID-19 ang naitatala sa lugar.