outbrain

Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas pa rin ng pag-ulan

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 02:28 PM

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Bulacan.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral ang Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, weather update August 2, breaking news, Inquirer News, pagasa, Radyo Inquirer news, southwest monsoon, weather update August 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.