P5-M halaga ng smuggled firecrackers, nai-turnover na ng BOC sa PNP
Nai-turnover na ng Bureau of Customs – Port of Manila ang mga smuggled firecrackers sa Philippine National Police – Firearms and Explosives Office sa Blasting Site sa bahagi ng Sta. Juana sa Capaz, Tarlac.
Naglalaman ang 40-foot container shipment ng mga ilegal na paputok na nagkakahalaga ng P5 milyon.
Naka-consign ang shipment sa Wealth Lotus Empire Corporation at unang idineklara bilang plastic bins.
Nilabag nito ang Republic Act 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices and Section 1113 (f) ng Republic Act 10863 o CMTA (Property subject to Seizure and Forfeiture).
Inaprubahan ni POM District Collector Michael Angelo ang pag-turn over ng mga ilegal na paputok sa PNP-FEO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.