Isang Malasakit Center, binuksan sa Guimaras

By Chona Yu August 02, 2020 - 11:25 AM

Isa na namang Malasakit Center ang binuksan sa Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital sa Guimaras.

Ayon kay Senador Bong Go, ito na ang ika-77 Malasakit Center sa buong bansa at ika-limang Malasakit Center sa Western Visayas.

Ang Malasakit Center ang one-stop shop ng pamahalalaan kung saan sa loob na ng ospital makahihingi ng ayuda ang mga pasyente sa Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office, at iba pa.

“Hindi namin matiis na hindi tumulong. Hinanapan namin ng paraan. Kaya nung naging Presidente siya, sabi ko ano bang konsepto ang pwede nating gawin at dyan ko po napag-isipan itong Malasakit Center,” pahayag ni Go.

Binigyang diin ni Go na dapat na dagdagan pa ang pagtatayo ng Malasakit Center para mapabilis ang pag-ayuda ng pamahalaan sa mga pasyente lalo na at may kinakaharap na pandemya ang bansa dahil sa COVID-19.

“Uulitin ko po. Lapitan niyo lang po ‘yung Malasakit Center kung kailangan ninyo ng pampagamot… Karapatan ninyo ‘yun. Basta Pilipino ka, qualified ka po,” pahayag ni Go.

TAGS: 5th Malasakit Center in Western Visayas, 77th Malasakit Center, Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital, Inquirer News, Malasakit Center, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, 5th Malasakit Center in Western Visayas, 77th Malasakit Center, Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital, Inquirer News, Malasakit Center, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.