Batay sa emergency meeting na pinangunahan ni Mayor Oca Malapitan, napagdesisyunang isailalim sa total lockdown ang Barangay 132.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar.
Epektibo ang lockdown simula 12:01, Linggo ng madaling-araw (August 2) hanggang 11:59, Sabado ng gabi (August 8).
Sa datos ng City Health Department, umabot na sa 36 ang COVID-19 sa nasabing barangay.
Tiniyak naman ng Caloocan City government na tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang contract tracing.
Bibigyan din anila ng relief packs ang mga apektadong residente.
“Araw-araw ang ating pagmomonitor sa mga kaso ng COVID-19 sa bawat barangay. Ginagawa natin ang lahat ng makakaya para mapabilis ang contact tracing upang mapigilan ang pagkalat ng virus,” pahayag ng alkalde.