Navotas Fish Port nagsagawa ng general cleaning at disinfection
Bilang bahagi ng ika-44 na anibersaryo ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), ang PFDA – Navotas Fish Port Complex (NFPC) ay nagdaos ng kanilang 5th monthly general cleaning and disinfection activities, araw ng Sabado, August 1, 2020.
Nabatid kay Atty. Glen A. Pangapalan, General Manager ng PFDA, na noon pa lamang Marso ay kaagad na nilang ipinag-utos sa kanilang regional operating units na magpatupad ng mahigpit na precautionary measures para sa COVID-19 prevention.
Ang monthly general cleaning and disinfection activity ay ang pinaka-malaking bahagi najg “New normal ng is a major part of a Business as Usual Operation.”
Aktibo namang sinuportahan ni Navotas City Mayor Tobias M. Tiangco, at iba pang NFPC stakeholders maging ng government agencies/units ang pagdaraos ng nasabing monthly activity.
Katulad noong mga nakaraang buwan, kabilang sa nakiisa sa aktibidad ay mga fish producers, fish brokers/traders, maging ang PNP-Regional Maritime Unit (NCR), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, at Navotas-LGU units tulad ng CDRRMO, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN) at Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).
Simula pa lamang nitong Marso, kung saan ipinatupad ang sunod-sunod na community quarantine sanhi ng COVID-19 outbreak ay ipinatutupad na ng NFPC management ang health and safety protocols para sugpuin ang infection sa loob ng port premises.
Kabilang sa malalaking inisyatiba na ipinatupad ay ang paglalagay ng isolation and sanitary misting tents; pagsagawa ng mandatory thermal scanning sa pagpasok sa complex at random scanning at Market Halls; regular announcements sa market halls tungkol sa health and safety protocols; pagdaraos ng orientation sessions sa health and safety measures para sa batillos at iba pang market participants; rapid testing para sa NFPC employees; at mandatory na pagsuot ng face masks, face shields, gloves at iba pang appropriate personal protective equipment (PPE) ng NFPC employees, port workers at fish buyers/sellers.
Ang NFPC ay ang nangungunang fish center sa Pilipinas, na nagsusuplay ng hanggang 70% ng fish products sa Metro Manila at mga karatig lalawigan. Ang pasilidad ay nagsisilbing bagsakan at kalakalan ng isda kapwa para sa commercial at municipal fishing vessels; nagsisilbi din itong pasilidad para sa harbor operations, refrigeration at fish processing operations; at ang tagapagbigay ng impormasyon hinggil sa presyo ng isda at iba pang kahalintulad na produkto.
Ang Navotas Fish Port Complex ay pumapagitna sa loob ng five-kilometer radius mula sa mga lungsod ng Manila, Quezon, Caloocan, Navotas, at Malabon, at sampung minuto lamang ang layo mula sa Divisoria, ang tinaguriang bargain center ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.