Batangas Vice Gov. Leviste, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 10:27 AM

Photo grab from Batangas Vice Gov. Mark Leviste’s Facebook video

Dagdag si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Inanunsiyo ito mismo ni Leviste sa pamamagitan ng Facebook video.

Aniya, lumabas sa resulta ng swab test na positibo siya sa nakakahawang sakit sa araw ng Sabado, August 1, 2020.

Isinagawa aniya ang pagsusuri noong July 28.

Mula sa nasabing petsa hanggang ngayon, sinabi ng bise gobernador na wala siyang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

“Nais kong ipaalam sa inyo na lumabas ngayong August 1 ang resulta ng swab ko na isinagawa noong July 28, at nag positive ang test ko. Mula noon hanggang ngayon, wala akong nararamdaman na sintomas ng COVID-19 o anumang sakit. At this juncture, my earnest request is for your prayers. 🤠‬🙏 #GoodVice,” pahayag ni Leviste.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mark Leviste, Radyo Inquirer news, Vice Gov. Mark Leviste, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 positive, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mark Leviste, Radyo Inquirer news, Vice Gov. Mark Leviste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.