outbrain

Walang banta ng tsunami matapos ang M6.1 na lindol sa Cotabato City – Phivolcs

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 02:01 AM

Tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 6.1 na lindol sa Cotabato City, Maguindanao Linggo ng madaling-araw.

Sinabi ng ahensya na yumanig ang malakas na lindol sa nasabing lugar dakong 1:09 ng madaling-araw.

May lalim ang lindol na 489 kilometers.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Alabel at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani.

TAGS: breaking news, Cotabato City, Inquirer News, magnitude 6.1 quake, maguindanao, no tsunami threat, phivolcs, Radyo Inquirer news, breaking news, Cotabato City, Inquirer News, magnitude 6.1 quake, maguindanao, no tsunami threat, phivolcs, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.