outbrain

BREAKING: Magnitude 6.4 na lindol tumama sa Cotabato City, Maguindanao

By Angellic Jordan August 02, 2020 - 01:39 AM

(UPDATED) Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Maguindanao, Linggo ng madaling-araw.

Batay sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, tumama ang sentro ng lindol sa layong 13 kilometers Southeast ng Cotabato City bandang 1:08 ng madaling-araw.

May lalim ang lindol na 543 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na instrumental intensities:
Intensity 2 – Alabel at Malungon, Sarangani
Intensity 1 – Tupi, General Santos City at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba, Sarangani

Sinabi ng Phivolcs na wala namang napaulat na pinsala sa Cotabato City at mga karatig-bayan.

Ngunit, posibleng makaranas ng aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: breaking news, Cotabato City, Inquirer News, magnitude 6.1 quake, maguindanao, Radyo Inquirer news, breaking news, Cotabato City, Inquirer News, magnitude 6.1 quake, maguindanao, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.