Na-repatriate na overseas Filipinos, umabot na sa higit 115,000 – DFA

Umabot na sa 115,793 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Naitala ang nasabing datos mula February hanggang August 1, 2020.

Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 47,306 o 40.85 porsyento ang sea-based habang 68,487 o 59.15 porsyento ang land-based.

Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.

Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.

Read more...