Back to ECQ sa Metro Manila, kinontra ni Sen. Villar
Kontra si Senator Cynthia Villar sa panawagan na muling isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Katuwiran ni Villar, mahihirapan muli ang ekonomiya at maapektuhan ang trabaho.
Reaksyon ito ng senadora sa apela ng health workers na ibalik ang ECQ sa Metro Manila nang dalawang linggo dahil napapagod na rin sila bunga ng parami nang parami pang bilang ng COVID-19 patients na dinadala sa mga ospital.
“Hindi na siguro, pagbutihin nila trabaho nila. Hindi pwedeng isara ang ekonomiya kasi kung ‘di naman mamamatay sa COVID, mamamatay naman sa gutom ang mga tao, aniya.
Sinabi pa nito bahagi na ng buhay natin ang COVID-19 at hindi na puwedeng isara ang ekonomiya.
Isa aniyang alternatibo ay ang localized lockdown sa mga komunidad o LGUs na may maraming kaso ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.