NCR, ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin

By Angellic Jordan August 01, 2020 - 08:10 PM

Makararanas pa rin ng pag-ulan ang National Capital Region at ilang lalawigan sa Luzon.

Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay bunsod ng umiiral na Southwest Monsoon.

Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Laguna, Cavite, at Batangas.

Mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan naman ang mararamdaman sa Rizal, Bulacan, Bataan, Pampanga, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija at Quezon.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, weather update August 1, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, rainfall advisory\], southwest monsoon, weather update August 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.