Sen. Lapid may panukala sa pag-imbak sa kalamidad

By Jan Escosio August 01, 2020 - 05:55 PM

Naghain ng panukalang batas si Senator Lito Lapid na layong maiwasan ang mga isyu sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa tuwing may kalamidad.

Sa kanyang panukala, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang bubuo ng National Emergency Stockpile (NES).

Magsisilbing central repository at supply reserve ng mga pagkain, gamot, bakuna, higaan, kumot at iba pang-emergency na mga gamit.

“The current COVID-19 pandemic presents a cautionary tale on the need for the country to institutionalize a system for the stockpiling of essential goods and materials,” sabi ni Lapid.

Katuwiran pa nito, “ At the start of the pandemic, the country suffered from the looming shortage of medical supplies such as face masks and personal protective equipment (PPE). This problem severely affected the performance and safety of our frontliners.”

Diin ng senador, responsibilidad ng gobyerno ang kapakanan ng mamamayan at isang pangangalaga ay ang pagtitiyak na may sapat na suplay ng mga gamot, pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Dagdag katuwiran pa niya, kapag may sapat na suplay, hindi aasa ang Pilipinas sa ibang bansa.

TAGS: Inquirer News, National Emergency Stockpile (NES), NDRRMC, Radyo Inquirer news, Sen. Lito Lapid, Inquirer News, National Emergency Stockpile (NES), NDRRMC, Radyo Inquirer news, Sen. Lito Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.