outbrain

Drug suspect, timbog sa buy-bust operation sa Cebu City

By Angellic Jordan August 01, 2020 - 03:08 PM

Arestado ang isang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency – Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang operasyon sa Barangay Duljo Fatima bandang 11:30 ng umaga.

Nakilala ang nahuling drug suspect na si Gervie Segalle, 26-anyos na miyembro ng isang drug group.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang pack ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000, isang maliit na kahon at ginamit na buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article 2 ng Republic Act no. 9165 ang isasampa laban sa suspek.

TAGS: buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, Radyo Inquirer news, buy-bust operation in Cebu City, confiscated shabu, Inquirer News, PDEA RO7, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.