Navotas City, nakapagtala ng 246 pang kaso ng COVID-19

Nadagdagan pa ng 246 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito na ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 cases na naitala sa lungsod sa loob ng isang araw.

Sa huling datos hanggang 8:30, Biyernes ng gabi (July 31), umakyat na sa kabuuang 2,144 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 1,120 ang aktibong kaso.

Umakyat naman sa 928 ang total recoveries sa lungsod habang 96 ang pumanaw.

Read more...