Sen. Lacson naniniwalang hindi nawala ang sindikato sa PhilHealth

By Jan Escosio July 31, 2020 - 05:33 PM

Tiniyak ni Senator Panfilo Lacson na may mga haharap na testigo para idetalye ang mga katiwalian sa Philhealth.

Aniya, naniniwala siya na sa ikakasang panibagong pag iimbestiga ng Senado, ang mga naunang ibinuking ang papangalanan muli o may ilan na makakasama pa rin.

Noong nakaraang Agosto, nagkaroon ng pagdinig sa Senado matapos ang privilege speech ni Lacson na may titulong “Philhealth and the Department of Wealth” noong July 29, 2019.

“I would say, the syndicate is back with a vengeance – or at least its core group has never left,” sabi pa ng senador.

Dagdag pa nito, maaring naging eksperto na sa ‘influence peddling’ ang mga miyembro ng sindikato sa Philhealth dahil malinaw na may impluwensiya sila sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Diin ni Lacson, talagang nakakapagpakulo ng dugo na nagagawa pa rin ng tinawag niyang ‘Philhealth mafia’ na kontrolin ang kakarampot ng pondo ng ahensiya.

 

 

TAGS: corruption, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, corruption, Inquirer News, News in the Philippines, philhealth, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.