Bilang ng enrollees umabot na sa 22.4 million ayon sa DepEd

Umabot na sa mahigit 22.4 million ang bilang ng mga estudyante ng kapag-enroll na para sa School Year 2020-2021.

Sa datos na inilabas ng Department of Education (DepEd), ang 22.40 million enrollees ay 80.6 percent na ng kabuuang bilang ng enrollees noong School Year 2019-2020.

Sa nasabing bilang, mahigit 20.9 million ang nag-enroll sa public schools habang 1.39 million sa private schools.

Pinakamaraming bilang ng enrollees ay sa elementarya na mahigit 10.9 million.

 

 

Read more...