outbrain

Lockdown ipatutupad sa Brgy. 142 sa Caloocan City

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 03:49 PM

Isasailalim sa ockdown ang Brgy. 142 sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, sisimulan ang lockdown alas 12:01 ng madaling araw ng Sabado (August 1) at iiral ito hanggang 11:59 ng gabi ng August 7.

Sa kasalukuyan ay nasa 28 katao na ang naitalang COVID-19 positive sa lugar, ayon sa datos mula sa ating City Health Department.

Tiniyak ni Malapitan na lahat ng residente a barangay ay susuplayan ng relief packs habang umiiral ang lockdown.

Inatasan na rin Malapitan ang Caloocan PNP hinggil sa mahigpit na pagbabantay sa lugar habang nagsasagawa ng contact tracing ang City Health Department.

 

 

TAGS: barangay 142, caloocan city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, barangay 142, caloocan city, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.