Metro Manila, Cavite, Batangas at Laguna makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA
Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Ayon sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 2:00 ng hapon ngayong Biyernes, July 31, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Cavite, Batangas at Laguna.
Katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Zambales, Bataan, Tarlac at Pampanga.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.