Metro Manila, Bulacan makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang Metro Manila at lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 12:29 ng tanghali ngayong Biyernes, July 31, katamtaman hanggang sa Malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila at Bulacan.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga naninirahan sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...