outbrain

LOOK: Composite sketch ng suspek sa pagpatay kay NCHM Dir. Roland Cortez

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 01:09 PM

Inilabas ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang composite sketch ng isa sa mga suspek sa pagpatay kay National Center for Mental Health (NCHM) director Roland Luyun Cortez at driver nitong si Ernesto Ponce dela Cruz.

Ayon kay CIDU chief Major Elmer Monsalve, ang suspek ay nagsilbing “spotter” nang gawin ang pananambang.

Ani Monsalve, ang suspek ang bumantay kay Cortez ng limang araw araw bago ang pagpatay.

Hindi naman muna naglabas ang QCPD ng dagdag na detalye tungkol sa suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng gunmen at ng spotter.

Si Cortez at kaniyang driver ay tinambangan sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City noong umaga ng July 27.

 

 

 

TAGS: ambush, composite sketch, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, National Center for Mental Health (NCHM) director, News in the Philippines, QCPD, Radyo Inquirer, roland luyun cortez, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, composite sketch, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, National Center for Mental Health (NCHM) director, News in the Philippines, QCPD, Radyo Inquirer, roland luyun cortez, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.