Aksidenteng pakiki-misa sa martial law victims, OK lang kay Imelda
Bagaman ikinagulat ni Ilocos Nore Rep. Imelda Marcos na para pala sa mga biktima ng martial law ang misang dinaluhan niya sa Baclaran noong Miyerkules, hindi niya ito alintana.
Ayon sa kaniyang staff na si Ricardo Malasa, isang deboto ng Our Lady of Perpetual Help ang ginang, at lagi siyang nagsi-simba sa Baclaran para kumpletuhin ang novena sa loob ng siyam na Miyerkules.
Katunayan aniya, noong araw na iyon ay ang ikatlo na ni Imelda.
Paliwanag ni Malasa, wala talagang kaalam-alam si Imelda tungkol sa espesyal na misa na iyon at ikinagulat niya rin ito tulad ng mga nakakita sa kaniya doon.
Nag-taka na lamang aniya sila nang nakakarinig na sila ng mga bagay na patungkol sa martial law, at nang malapit na ito matapos, nag-simula nang mag-datingan ang mga taga-media.
Nang masabihan aniya si Imelda na mayroong EDSA event sa simbahan, tumugon lamang siya na OK lang iyon dahil malaki naman aniya ang langit para sa lahat, at lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang ipinagdarasal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.