Pangangasiwa sa distribusyon ng libreng bakuna kontra COVID-19 pinaghahandaan na ng AFP

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 12:45 PM

Matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangangasiwaan ng mga sundalo ang distribusyon ng libreng bakuna kontra COVID-19 ay pinaghahandaan na ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo, ikinatutuwa ng Santahang Lakas ang malaking tiwala na ibinibigay ng pangulo.

Kasabay nito, inatasan na aniya ni AFP Chief of Staff Felimon Santos Jr., ang kaniyang mga staff para simulan ang pagpaplano.

Kailangan aniyang mapaghandaan ito bago mag-Disyembre kung kailan inaasahan na magiging available ang bakuna sa bansa.

 

 

TAGS: AFP, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, filemon santos, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, AFP, covid 19 vaccine, covid pandemic, COVID-19, department of health, filemon santos, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.