NPA bibigyan din ng bakuna kontra COVID-19 ayon kay Pang. Duterte
Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ay mabibigyan ng bakuna kontra COVID-19.
Ang kondisyon lang ayon sa pangulo, dapat ihinto ng NPA ang pag-atake sa mga sundalo habang abala ang mga ito sa pag-supervise sa pagtugon ng gobyerno sa problema ng bansa sa COVID-19.
Sinabi ng pangulo na dapat ding hayaan ng NPA na makapagtrabaho ng maayos ang mga health worker na magbibigay ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Kapag huminto kayo sa pag-atake habang busy ang mga sundalo na nagsu-supervise
babakunahan kayo,” ayon sa pangulo.
Nilinaw naman ng pangulo na hindi ito panawagan para sa unilateral ceasefire kundi “matter of humanity” lamang.
Pinoy pa rin naman aniya ang mga NPA kaya pwede pa rin silang magpabakuna laban sa COVID-19 lalo at mayroon silang mga anak.
“Hindi ito unilateral, I’m just telling you, stop it, and allow the normal process of helping the country,” ayon pa sa pangulo.
Nagbiro pa ang pangulo na baka kapag nabakunahan laban sa COVID-19 ay tumaas ang “fighting chance” ng NPA.
Aniya, ni minsan ay hindi siya natakot sa naturang grupo dahil wala man lamang eroplano ang mga ito, walang fighter jet at walang barkong pandigma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.