Hindi paniningil ng online fee para sa money transfer pinalawig ng BPI

Dahil sa pagpapalawig ng pag-iral ng quarantine measures sa iba’t ibang panig ng bansa, pinalawig din ng BPI ang hindi nito paniningil ng fee para sa money transfer.

Ayon sa pahayag ng BPI magpapatuloy hanggang September 30, 2020 ang pag-waive sa fee.

Kabilang sa hindi sisingilan ng fee ang InstaPay money transfers patungo sa ibang bangko via BPI Mobile app.

At ang fund transfers sa ibang BPI accounts via BPI Mobile app at BPI Online

 

Read more...