‘Hindi ako makakapag-deklara ng martial law’ – Sen. Marcos

PRESCON ON BBL / MAY 5, 2015 Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr speaks during a news conference at the Senate on Tuesday that the Citizen’s Peace Council report on the draft Bangsamoro Basic Law (BBL) showed that the proposed measure should be amended despite Malacañang’s insistence that it be passed in its present form. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Mismong si Sen. Bongbong Marcos ay hindi na nagna-nais na maulit pa ang pagde-deklara ng martial law sa bansa.

Nang tanungin ang senador kung gagawin rin ba niya ang ginawa ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noon, mariin niyang iginiit na ayaw na niyang mangyari itong muli.

Aniya, idinedeklara lamang ang martial law sa tuwing may krisis sa bansa, at hindi naman aniya natin gugustuhin na magkaroon ng krisis sa Pilipinas.

Marami na aniya ang nagbago sa bansa sa loob ng 30 taon mula nang maganap ang EDSA People Power Revolution.

Dapat aniyang tingnan rin ang sitwasyon, at hindi lang basta gagayahin ang anumang nangyari sa nakaraan.

Ipinunto rin ni Sen. Marcos na ang itinatakbo niyang posisyon ay bilang bise presidente, at hindi bilang pangulo.

Sakali aniyang manalo siya sa halalan, hindi naman siya makakapag-deklara ng martial law bilang isang bise presidente, dahil hindi naman niya magagawa ang mga kayang gawin ng pangulo.

Read more...