Magpapatupad ng pagbabago ang pamahalaan sa approach nito o sa pagtugon sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.
Ngayong umaga inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatili sa GCQ ang Metro Manila, mga lalawigan ng Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, at Zamboanga City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa GCQ areas mahigpit na ipatutupad ang minimum health standards.
Magsasagawa din ng massive targeted testing, at palalakasin ang contact tracing at isasailalim sa quarantine ang mga close contact.
Ayon kay Roque, ang lahat ng positive cases ay isasailalim sa isolation.
Ipatutupad aniya ng mahigpit ang Oplan Kalinga ng pamahalaan kung saan, ang mga pasyente ng COVID-19 na walang sariling kwarto at banyo ay dadalhin sa isolation centers ng national o ng local government.
Tataasan din ang bed capacity para sa COVID-19 sa mga ospital para hindi na maulit na napupuno ng COVID-19 patients ang mga pagamutan.
Ani Roque, sa mga government hospital, mula sa 30 percent na bed capacity ay itataas ito sa 50 percent.
At sa pribadong ospital, mula sa 20 percent bed capacity ay itataas na ito sa 30 percent.