Kaso ng COVID-19 sa buong mundo mahigit 17.4 million na

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 10:06 AM

Umakyat na sa mahigit 17.4 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 17,464,995 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng nasa 280,000 na bagong kaso sa magdamag.

Nananatiling ang Estados Unidos ang may pinakamaraming bilang ng kaso na sumampa na 4,634,985.

Nasa mahigit 100,000 ang nadagdag na bagong kaso sa US sa magdamag.

Ang Brazil ay nakapagtala ng nasa 58,000 dagdag na kaso habang ang India ay mahigit 54,000 ang bagong kaso sa magdamag.

Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:

Brazil – 2,613,789
India – 1,639,350
Russia – 834,499
South Africa – 482,169
Mexico – 416,179
Peru – 400,683
Chile – 353,536
Spain – 332,510
UK – 302,301

Ang Pilipinas ay nasa pang-26 na sa mga bansa sa mundo na may pinakamaraming bilang ng kaso ng COVID-19.

Naungusan na ng Pilipinas ang China, Ecuador at Kazakhstan sa datos.

 

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases of covid 19, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases of covid 19, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.