NBA season ganap nang nagsimula sa Florida; players, coaches lumuhod habang inaawit ang US national anthem

Pormal nang nagsimula ang NBA playoffs matapos na matigil ng maaga ang nagdaang season dahil sa pandemic ng COVID-19.

Sa pagsisimula ng laro, inawit ang US national anthem at habang nangyayari ito ay lumuhod ang mga manlalaro ng Utah Jazz at New Orleans Pelicans.

Sa warm up, suot ng mga manlalaro ang T-shirt na may nakasulat na ‘Black Lives Matter’.

Ang game sa pagitan ng Utah Jazz at New Orleans Pelicans ang pagsisimula ng regular season ng NBA.

Ito ay para matukoy ang final line-up sa NBA playoffs na mag-uumpisa naman sa August 17.

 

 

Read more...