Tatlong volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking news, Tagalog News Website July 31, 2020 - 08:05 AM

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng tatlong volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.

Ayon sa Volcano Bulletin ng Phivolcs na inilabas ngayong araw (July 31), noong July 26 ang sulfur dioxide mula sa Bulkang Kanlaon ay nasukat sa average na 723 tonnes/day.

Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.

Paalala ng Phivolcs sa lokal na pamahalaan bawal pa rin ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Inabisuhan din ang Civil aviation authorities na payuhan ang mga piloto na iwasan ang pagpapalipad ng eroplano malapit sa summit ng bulkan dahil maari itong magkaroon ng biglaang phreatic eruption.

 

 

TAGS: Mt Kanlaon, phivolcs, Volcano Bulletin, Mt Kanlaon, phivolcs, Volcano Bulletin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.