PNP nakiisa sa paggunita ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice
Nakiisa ang Philippine National Police (PNP) sa paggunita ngayong araw ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sa pahayag sinabi ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, ang selebrasyon ay panahon para mag-reflect at pagtibayin pa ang unity at solidarity sa pagitan ng Muslims at Christians.
Tiniyak ni Gamboa na ginagampanan ng PNP ang trabaho nito para mapagtibay ang kooperasyon sa pagitan ng mga Muslims at Kristiyano sa bansa.
“The PNP joins the Filipino nation and the Muslim ummah in praying for peace and harmony among the diverse peoples and cultures,” ayon kay Gamboa.
Kaisa aniya ang PNP sa dalangin ng buong mundo na mamayani ang pagkakaunawaan lalo ngayong mayrong pandemic ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.