Mahigpit na health protocols ipinatupad sa paggunita ng Eid Al-Adha sa Quiapo, Maynila

Radyo Inquirer File Photo

Nagpatupad ng mahigpit na health protocol sa Golden Mosque sa Quiapo sa Maynila.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Eid Al-Adha ng mga Muslim.

Lahat ng mga pumapasok sa mosque sa Quiapo ay obligadong magsuot ng face mask.

Kinukuhanan din muna sila ng body temperature sa bukana ng mosque.

Mahigpit ding ipinatutupad ang social distancing sa lugar.

 

 

Read more...