4 na health center sa Pasig City isinara; health workers isinailalim sa COVID-19 test

By Dona Dominguez-Cargullo July 31, 2020 - 06:11 AM

Apat na health centers sa Pasig City ang pansamantalang isinara habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test ng mga health worker nito.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kabilang sa isinara ang mga health center sa sumusunod na lugar:

1. Maybunga Floodway
2. Napico
3. Manggahan Super HC
4. Caniogan

Ang mga health worker sa Maybunga, Napico at Manggahan ay naisailalim na sa swab test at hinihintay na lamang ang resulta.

Habang ang mga health worker sa Caniogan ay nakasailalim sa quarantine at nakatakdang kuhanan na ng swab.

Kung mayroong concern na nangangailangan ng agarang pagtugon, sinabi ni Sotto na maaring tumawag sa Operation Center sa numerong 864-300-00.

“Pakiusap na wag dumiretso sa ospital (lalo na’t madalas mapuno ang mga ospital ngayon at baka hindi rin kaya ng mapupuntahan ninyo),” ayon kay Sotto.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, health centers, health workers, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Pasig City, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, temporary closure, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, health centers, health workers, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Pasig City, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, temporary closure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.