Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 203 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, ala-1:28 madaling araw ng Biyernes (July 31).

May lalim na 27 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental kaninang 12:46 ng madaling araw.

Mary Rose Cabrales

Read more...