outbrain

Cebu Pacific lilipad na muli sa Japan, Singapore at South Korea

By Jan Escosio July 30, 2020 - 06:44 PM

Simula sa darating na Agosto 1, araw ng Sabado, babalik ang mga biyahe ng Cebu Pacific sa Japan, Singapore, Taiwan at South Korea.

Sinabi ni Candice Iyog, CebuPac Vice President for Marketing & Customer Experience, dalawang beses kada linggo, Miyerkules at Sabado, ang kanilang biyahe sa Tokyo (Narita).

Sa Agosto 6 naman ay babalik na rin ang kanilang biyahe sa Singapore, tuwing Huwebes at Sabado at tuwing Huwebes ay may biyahe na sila patungong Seoul (Incheon).

Dalawang beses kada linggo (Miyerkules at Biyernes) ang kanilang magiging biyahe sa Taipei simula sa Agosto 7 at kasabay nito ang one-way flights sa Osaka (Kansai).

“We are taking a conservative and agile approach to rebuilding our international network. While demand remains soft, there is latent demand for travel, particularly from stranded individuals and those who are eager to come home to visit their families,” sabi ni Iyog.

Diin din nito na mahigpit na susundin ang mga regulasyon ng mga nabanggit na bansa at aniya, bago makalipad mula sa Pilipinas, kailangan ay may negative swab test result ang pasahero at sa kanilang pagbabalik ay sasailalim sila sa mandatory COVID-19 screening at 14-day quarantine.

TAGS: BUsiness, Cebu Pacific flight Japan, Cebu Pacific flight Singapore, Cebu Pacific flight South Korea, Cebu Pacific flight Taiwan, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BUsiness, Cebu Pacific flight Japan, Cebu Pacific flight Singapore, Cebu Pacific flight South Korea, Cebu Pacific flight Taiwan, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.