Estudyante, nagkatrabaho dahil sa Facebook, ginahasa

By Jan Escosio July 30, 2020 - 06:07 PM

Inaresto ang isang 32-anyos na lalaki sa Makati City dahil sa panggagahasa sa bagong pasok na kasambahay.

Kinilala ang suspek na si Jed Catamco, residente ng lugar.

Sa salaysay ng 17-anyos na biktima, sa pamamagitan ng Facebook ay nag-apply siya bilang kasambahay at sa araw ng Miyerkules, July 29, kinuha siya ni Catamco.

Aniya, 9:00 ng gabi nang pagsamantalahan siya ng kanyang amo at makalipas lang ang ilang minuto ay inulit ang kahalayan sa kanya.

Sabi pa ng biktima, hindi na siya lumaban sa sobrang takot, ngunit nang makakuha ito ng pagkakataon ay nagsumbong na siya sa presinto kayat naaresto din si Catamco.

TAGS: Inquirer News, Jed Catamco, Makati City Police Station., panggagahasa, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Jed Catamco, Makati City Police Station., panggagahasa, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.