LPA, nasa labas na ng PAR – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang low pressurea area (LPA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Robb Gile, nakalabas ang LPA ng PAR bandang 3:00 ng hapon.

Huling namataan ang LPA sa layong 430 kilometers Kanlurang bahagi ng Sinait, Ilocos Sur.

Sa ngayon, Southwest Monsoon aniya ang nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Sa magdamag, asahan pa ring makararanas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon lalo na sa Cagayan Valley, Ilocos region, Cordillera, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Metro Manila.

Kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog naman ang iiral sa bahagi ng Western Visayas at Zamboanga Peninsula.

Samantala, sa ibang bahagi naman ng Mindanao, ilang parte ng Visayas at Bicol region, asahan ang pagbuti ng panahon.

Read more...