Operasyon ng DFA consular offices sa bansa, suspendido sa July 31

Sarado ang lahat ng consular office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa bansa sa araw ng Biyernes, July 31.

Ayon sa DFA – Office of Consular Affairs (OCA), ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation 985, series of 2020, at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Memorandum 26911 kung saan idineklara ang bilang national holiday para sa paggunita ng Eid’l Adha o “Festival of Sacrifice.”

Sa mga aplikante na mayroong emergency concern, maaaring dumulog sa OCA sa pamamagitan ng mga sumusunod na e-mail:
– oca.concerns@dfa.gov.ph
– passportconcerns@dfa.gov.ph

Read more...