Pasok sa mga korte sa bansa sa July 31, suspendido
By Angellic Jordan July 30, 2020 - 03:52 PM
Walang pasok ang lahat ng korte sa bansa sa araw ng Biyernes, July 31.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, ito ay bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Sa Proclamation No. 985, series of 2020, idineklara ang July 31 bilang regular holiday sa bansa.
Sinabi naman si SC PIO chief Atty. Brian Keith Hosaka na tuloy pa rin ang signing ng Roll of Attorneys para sa mga bagong abogado sa nasabing petsa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.