Sa datos ng health ministry sa India hanggang 8:00 ng umaga (July 30), pumalo na sa 1,583,792 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.
Sa nasabing bilang, 528,242 pa ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 32,553 ang mga gumaling.
Dahil dito, 1,020,582 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa India.
Umakyat naman sa 34,968 ang nasawi bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES