Pagtatatag ng Center for Disease Control, kailangan na – DOH

By Erwin Aguilon July 30, 2020 - 02:42 PM

Iginiit ng Department of Health (DOH) na napapanahon na pagbuo ng Philippine Center for Disease Control and Prevention.

Kasunod ito ng nagpapatuloy pang laban sa COVID-19 pandemic na humamon sa kahandaan at kapasidad ng bansa sa pagtugon sa ganitong uri ng outbreak.

Ito, ayon sa DOH, ay upang maging handa sa mga posibleng susunod pang outbreak ng sakit.

Ayon sa DOH, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng bansa ng CDC upang masiguro na ang health system sa bansa ay handa sa pag-forecast, pagpigil, pag-monitor, at pagkontrol ng emerging at re-emerging communicable diseases.

Isang magandang oportunidad rin ito para mapalakas ang epidemiologic reporting systems, mapataas ang manpower at technical capacity, laboratory capacity ng bansa mula sa national pababa sa local level.

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatag ng National Disease Prevention and Management Agency para mapigilan ang mga future outbreak ng sakit.

TAGS: COVID-19 pandemic, doh, Inquirer News, Philippine Center for Disease Control and Prevention, Radyo Inquirer news, COVID-19 pandemic, doh, Inquirer News, Philippine Center for Disease Control and Prevention, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.