Classrooms ipinagagamit bilang quarantine facility para sa mga mild cases ng COVID-19 at asymptomatic

By Erwin Aguilon July 30, 2020 - 01:03 PM

Hinimok ni Deputy Minority Leader at Marikina Rep. Bayani Fernando ang pamahalaan na gamitin ang mga silid-aralan bilang quarantine facilities para sa mga asymptomatic at mild cases ng COVID-19.

Sa mungkahi ni Fernando, 1:1 o isang classroom ang ipapagamit sa bawat isang asympomatic o mild COVID-19 case upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Ayon sa mambabatas, natatakot din ang mga tao na pumunta sa mga ospital at quarantine facilities bunsod ng pangamba na doon pa mas lumala ang sakit.

Dahil din dito kaya mas pinipili ng mga tao na sa bahay na lamang mag-quarantine ngunit nauuwi lamang din sa pagkahawa sa impeksyon ng ibang miyembro ng pamilya.

Iginiit pa ni Fernando na dapat iprayoridad muna ang paggamit sa mga classrooms bilang quarantine facilities lalo pa’t hindi mainam na gawin ngayon ang face-o-face classes matapos na sabihin ito ng Pangulo sa kanyang SONA.

Tinukoy ni Fernando ang isang pag-aaral sa South Korea kung saan lumalabas na mas malaki ang tyansang mahawa ang isang tao ng coronavirus disease mula sa mga kasama nito sa bahay kumpara ang maka-contract ng sakit sa labas ng tahanan.

 

 

TAGS: classrooms, deped, quarantine facilities, classrooms, deped, quarantine facilities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.