Mga priority measures na binanggit ng pangulo sa SONA suportado ni speaker-in-waiting Lord Allan Velasco
Suportado ni Speaker-in-waiting Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang mga tinukoy na priority measures ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.
Ayon kay Velasco, ang mga mahahalagang hakbang na sinabi ng pangulo ay makakatulong na makausad ang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Malinaw din aniyang inilatag ng Pangulo ang mga polisiya at intensyon ng administrasyon sa mga susunod na buwan para labanan ang coronavirus disease.
Tinukoy naman ni Velasco ang limang paraan para makabangon ang bansa at ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa krisis.
Kabilang sa limang paraan na ito ang maayos na internet service, mabilis na interconnectivity, pagpuksa sa red tape, pagpapabagal sa virus transmission sa face-to-face contact at pagbuo ng digital literate generation.
Tiwala ang kongresista na ang mga hakbang na ito ang makakatulong at makapagpapabilis ng serbisyo at mga transaksyon para sa new normal na paraan ng pagtatrabaho, pagnenegosyo at sa pag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.