Tandag City, Surigao Del Sur niyanig ng M3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Tandag City sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 13 kilometers southwest ng Tandag City alas 12:09 ng tanghali ng Huwebes, July 30.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 33 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.

 

Read more...