Mahigit 54,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19
Simula noong July 8 hanggang ngayong araw July 30 umabot na sa mahigit 53,000 umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.
Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroong 54,073 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.
Karagdagan ito sa mahigit 54,073 na returning overseas Filipinos na nag-negatibo sa COVID-19 simula noong June 12 hanggang July 7.
Maaring makita ang listahan ng mga dagdag na nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/309ZvJV
Ang master list naman ng mga nag-negatibong umuwing Pinoy mula June 12 hanggang July 7 ay maaring ma-access sa link na https://bit.ly/2Z2ThLm
Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.