Rizal Memorial Sports Complex isinailalim sa disinfection

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2020 - 11:50 AM

Matapos mapauwi ang huling batch ng mga locally stranded individual ay isinailalim sa paglilinis ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Pansamantalang isinara muna ang nasabing pasilidad para makapagsagawa ng disinfection.

Sa Facebook post sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsasagawa ng cleaning, flushing at pag-disinfect sa sports complex ang mga tauhan ng Department of Public Services (DPS).

Magugunitang libu-libong LSIs ang nanatili sa sports complex simula pa noong Biyernes sa pag-asang sila ay makakauwi sa mga lalawigan.

Silang lahat ay naihatid na sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng gobyerno.

Maliban lamang sa 48 na nagpositibo sa rapid test na pansamantalang isinailalim sa isolation para sumailalim sa swab test.

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfection, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal Memorial Sports Complex, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, disinfection, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal Memorial Sports Complex, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.