Heavy rainfall warning sa Zambales at Pampanga inalis na ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2020 - 11:39 AM

Binawi na ng PAGASA ang inilabas na heavy rainfall warning sa lalawigan ng Pampanga at Zambales.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ngayong umaga ng Huwebes (July 30) mahina hanggang katamtamang pag-ulan na lamang ang nararanasan sa dalawang lalawigan.

Samantala, nakararanas din ng mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan ang Tarlac, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ang pag-ulan ay dulot ng Low Pressure Area at Habagat.

Pinapayuhan ang mga residenteng nasa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslides ang malakas na ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

TAGS: heavy rainfall warning, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, heavy rainfall warning, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.