DENR Sec. Roy Cimatu inirekomendang isailalim na lang sa GCQ ang Cebu City
Inirekomenda ni Department of Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu na isailalim na lang sa general community quarantine o GCQ ang Cebu City.
Ito ay kaugnay ng nakatakdang pagtatapos ng umiiral na enhanced community quarantine sa lungsod.
Ayon kay Cimatu, bumubuti na ang sitwasyon sa Cebu City at bumagal na ang doubling rate ng COVID-19 case.
Bumababa din ang positivity rate sa Cebu City o nabawasan na ang bilang ng mga naitatalang nagpopositibo sa COVID-19 kada araw.
Hanggang kahapon, July 29 ay nasa 8,898 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City.
Sa nasabing bilang, 3,326 na lang ang aktibong kaso; 5,099 ang total recoveries at 82 ang pumanaw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.